Sunday, October 3, 2010

Ikalawang Bahagi ng Lektyur sa Wastong Gamit ng Bantas (Ikalawang Taon: II-Malvar, II-Dagohoy, at II-Aguinaldo)

G. Gatlang ( - )
ginagamit ang Gatlang
1. upang ipakita ang sakop ng bilang, petsa, oras.

halimbawa:
1991 - 1998

2. upang ipakita na wala pang tiyak na petsa kung hanggang kailan, subalit alam kung kailan nagsimula.

halimbawa:
(1938 - )

3. upang ipakita ang biglang tigil at maipokus sa dagdag na bagay o kaalaman ang pahayag.

halimbawa:
Maaaring ang pinakaugat ng konseptong ito ay ang ating matandang sistema ng pagsulat - ang Alibata.

H. Tandang Pandamdam (!)
ginagamit ang tandang pandamdam

1. sa hulihan ng salita, kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng pagkabigla o pagkagulat.

halimbawa:
Sobra ka naman!
Aray!

I. Panaklong ()
ginagamit ang panaklong o parenthesis

1. na pangkulong sa orihinal na salitang binigyan ng katumbas kung ang salitang itinumbas ay noon lamang ginamit o may ibang katumbas sa ibang konteksto. Ang pagpapaloob sa loob ng panaklong sa orihinal na salita ay ginagawa sa unang pagbanggit ng pagtutumbas na ginawa.

halimbawa:
Ang blangkong pahina (flyleaf)ang bahagi ng aklat na walang nakasulat.

2. na pangkulong ng numero o letra sa isang enumerasyon.
halimbawa:

(A) Wikang Pambansa
(B)Wikang Opisyal
(1) Filipino
(2) Ingles

3. na pangkulong sa taon at pahina na binaggit na

halimbawa:
Ayon kay S.C. Samonte (1989:445), ang tawag na chamber theater ay walang katumbas sa Filipino.

4.na pangkulong sa paliwanag sa isang bahagi ng pangungusap o ng buong pangalan o kahulugan ng isang akronim.

halimbwa:
Hindi pinalitan ang qualification standard (gaya ng sinasabi ng iba) para sa posisyong LS (Linguistic Specialist); ginawa lamang itong higit na malinaw at makatotohanan.

J. Kudlit (')

ginagamit ang kudlit o apostrophe

1. bilang pamalit sa nawawalang letra kapag may dalawa o higit pang salitang pinagsama.

halimbawa:
wika't panitikan

2. K. Panipi ("")
ginagamit ang panipi

1. upang kulungin ang tuwirang sinabi ng nagsasalita.
halimbwa:

"Magparaya! Isipin mo na lang na dumagsa ang mga kamag-anak ng buwaya,"wikang may mahinahong ngiti ni Tandang Selo.

2. upang kulungin ang isang pamagat ng isang artikulo o kwento na hango sa isang katipunan.

halimbawa:
Ilan sa mga kwentong nakapaloob sa Umaga sa Dapithapon at Iba pang mga Akda ni S.P. Bisa ay ang "Ulan."

(Pansinin na ang tuldok ay inilalagay bago ang panghuling panipi. Gayundin ang kuwit, tandang pananong, tandang pandamdam)






Inihanda ni:

Bb. Shiela Gito
Guro, Filipino II

Tuesday, June 29, 2010

Takdang-aralin sa Filipino 1 (I-Bonifacio at I-Aquino) Wastong Gamit ng Bantas

Panuto: Ilagay ang wastong gamit ng bantas sa bawat bilang.
(Pormat: Arial; 12, Short bond paper)

1____ Prrt 2___ Hoy 3____ jaywalking kayo 4____ 5____ isang matabang pulis ang nakita ko 6____ Kinawayan kaming lumapit sa kanya 7____ 8____ Daig pa ninyo ang lumalakad sa kabilugan ng buwan 9____ Di ba ninyo alam na bawal tumawid doon 10____ 11____

12____ Sorry 13___ Tsip 14____ Nagmamadali ho ako 15 ____ eh. Gusto ko hong makauwi agad 16____ 17_____ paliwanang ng magandang dalagang katabi ko 18____
19____ Sarhento Flores 20____ hindi Tsip 21___ 22____ galit ang pulis 23____ 24___ At bakit ka nagmamadali 25____ Dahil natatakot kang malaman sa inyo na nakipagdate ka sa lalaking ito 26___ 27____ 28___ Hindi ko kilala ang lalaking iyan 29___ At kung yan lang 30___ di bale na 31___ 32____

33_____ At kung ikaw naman ang magiging girlfriend ko 34____ magpapari na lang ako 35____ Hmp 36____ 37____ ang tugon ko 38____

Napariin ang paghawak ko sa kanyang braso 39____ ngunit wala akong narinig 40____ Ni bahagya mang pagtutol 41____ Nilingon ko ang aming tinawiran kanina 42____ Nilingon ko rin si Sarhento Flores 43____ A 44____ isa sa mga araw na ito 45____ babalikan ko ang pulis na iyon upang pasalamatan sa pagkakahuli niya sa amin.


- Tambuli
Wika at Panitikan ni Badayos, Paquito B., et.al. ph. 67



Inihanda ni:

Bb. Shiela Gito
Guro, Filipino 1

Tuesday, June 15, 2010

Para sa lahat ng mapadadaan:

Kung sakali na ika'y napadaan at nagbasa, maraming salamat. Kung ika'y napadaan at nag-iwan ng bakas tulad ng komento at iba pa, lubos akong magagalak...


Sa lahat ng mag-aaral sa Filipino bilang sabjek, ito ang kanlungan ng mga hand-outs, reviewer, mga dagdag na tala, komento, at iba pang babasahin sa Filipino. Inaasahan ang inyong pakikiisa at pakikilahok.


Maraming salamat,
Bb. Gito